Mahigit isandaang libong trabaho ang alok ng Department of Labor o DOLE sa jobs fair na isinagawa sa mahigit dalawampung (20) mga lugar sa bansa ngayong Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Labor Undersecretary Jacinto Paras, dito pa lamang sa Metro Manila ay limampu’t tatlong (53) employers na ang lumahok para magbigay ng trabaho.
Mahigit sa animnapung libo (60,000) sa mga alok na trabaho ay sa lokal kung saan ginaganap ang jobs fair, mahigit sa limampung libo (50,000) ang sa abroad at mahigit sa pitong libo (7,000) sa military service.
Kabilang sa mga lugar ng jobs fair, maliban sa Luneta ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Western Visayas, Zambonga Peninsula at iba pa.
Sinabi ni Paras na ang jobs fair ngayong Independence Day ay bahagi ng TNK o trabaho, negosyo at kabuhayan project ng DOLE.
“Hindi po ito trabaho lamang, ito po ay partnership po ng Department of Labor and Employment at Department of Trade and Industry, ang tawag po natin ditto ay TNK: trabaho, negosyo, kabuhayan. Sa DTI may mga ibinibigay silang entrepreneurial advice sa mga small businesses.” Pahayag ni Paras
(Balitang Todong Lakas Interview)