Inaasahang mahigit 100,000 trabaho para sa mga Pinoy ang magbubukas sa Japan.
Ito ay matapos lagdaan ang memorandum of understanding ng Pilipinas at Japan sa ilalim ng Technical Intern Training Program o TITP.
Bukod sa mga government institution, magbubukas din ng oportunidad ang ilang pribadong sektor para maging employers.
Maaari nang antabayanan sa susunod na buwan ang job orders sa website ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.
Posible rin na maging maluwag na ang requirements para sa mga Pinoy pagdating sa language proficiency exam sa Pilipinas para sa wikang Nihongo.
—-