Aabot sa 114,664 na campaign materials ang pinagbabaklas ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon kay DENR Sec. Jim Sampulna, karamihan sa binaklas ay mga nakapaskil sa mga puno kung saan, pinakamarami ang Regions 3, 5 at 9.
Base sa Republic Act. 3571, ipinagbabawal ang pagputol, pagsira o pananakit sa mga halaman, bulaklak at puno na nasa kalsada, plaza, parke, paaralan at iba pang pampublikong lugar.
Ang sinomang lalabag sa nasabing batas ay maaring mapatawan ng sanction sa election-related laws at environmental laws kung saan, posibleng makulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon, o multang hindi bababa sa P500 hanggang P5,000.
Muli namang nagpaalala sa mga kandidato at kanilang mga taga-suporta si sampulna na maging responsable sa pagsunod ng batas na ipinatutipad sa gitna ng campaign period. —sa panulat ni Angelica Doctolero