Nasa mahigit 100K na ang Registered Overseas Filipino ang nakaboto na.
Ito ang inihayag ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Marlon Casquejo pero hindi pa umano ito pinal dahil mayroong ilang post pa rin ang hindi pa nagsumite ng bilang ng overseas voters na nagpasa ng kanilang mail-in ballots.
Aabot sa halos 10% o 175,266 kung saan 76,745 dito ay mula sa Asia Pacific at 1,809 sa Amerika.
Habang nasa 13,462 overseas voters naman ang bumoto sa Europe habang 83,450 na Pilipino ang bumoto na sa Middle East at Africa.
Ang naturang mga posts ay pinaikling foreign service posts na tumutukoy sa mga embahada, konsulado, foreign service establishments, at iba pang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas sa ibang bansa.