Sim card registration sa bansa, natapos na; halos 60,000,000 sim deactivated na.
Deactivated na ang halos 60,000,000 sim card sa bansa na hindi nairehistro makaraang mapaso ang pinalawig na deadline ng sim card registration kahapon.
Kapwa nanindigan ang National Telecommunications Commission at Department of Information and Communications technology na hindi na nila palalawigin pa ang deadline sa pagpaparehistro ng sim cards.
Dahil dito, tuluyan nang naputulan ng serbisyo ang mga mobile user na hindi nakapag-register ng kanilang gamit na sim card simula kaninang 12:01 am .
Gayunman, bibigyan pa rin sila ng 5 araw na grace period upang ma-reactivate ang kanilang mga sim card.
Batay sa datos ng NTC, umabot sa 105, 917, 844 ang bilang ng registered sims sa bansa hanggang noong July 24.
Katumbas ito ng 63.04 % ng active sim subscribers sa bansa na umabot sa mahigit 168 , 000, 000.