Mahigit 10,000 paaralan sa buong bansa ang pinayagan nang magdaos ng limitadong face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department of Education (DepEd), kabilang dito ang 9,994 pampubliko at 212 pribadong paaralan sa bansa.
Hanggang nitong Marso a-22, kabuuang 14,396 na public at private schools ang ikinukonsiderang nominado o pumasa sa School Safety Assessment Tool (SSAT).
Nakatakda namang maglabas ng revised version ng SSAT ang DepEd upang matulungan ang mas maraming paaralan na maabot ang required standards para sa pagpapatuloy ng in-person classes.