Nananatili pa rin sa evacuation centers ang nasa 10,026 na pamilya o katumbas ng mahigit 42,856 katao matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Batay ito sa datos ng disaster response operations monitoring and information center ng DSWD hanggang kaninang ala-6 ng umaga.
Aabot sa 45,049 ang napinsalang kabahayan ng bagyo kabilang ang nasa 5,097 lubhang nagtamo ng sira.
Umabot naman sa 259,953,704.20 na halaga ng food at non-food items ang naipamahagi ng DSWD, LGUs, NGOs at iba pang partners nito sa mga biktima ng kalamidad.