Aabot sa 45,337 pamilya o katumbas ng 10,536 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers sa bansa dahil sa pagbaha.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) hanggang kaninang umaga, 534 na bahay na ang nasira ng pagbaha kung saan 369 ang partially damaged at 165 at totally damaged.
Umakyat naman sa P59.8-M ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa Bicol at Northern Mindanao habang P14.6-M sa imprastruktura.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 56 na lungsod na nawalan ng kuryente kung saan 32 na ang naibalik.
Naiulat din ang mga pagkaputol ng suplay ng tubig sa apat na lungsod at munisipalidad at isa ang naibalik.
Sa ngayon, umabot na sa P5.2-M ang naipamahaging tulong sa mga biktima ng pagbaha mula sa mga lugar na nasalanta nito.