Inihayag ng National Telecommunications Commission (NTC) na pumalo na sa 11.2 milyong sim cards ang nairehistro nitong January 2,2023.
Ito’y sa ika-6 na araw na pagiging epektibo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Sim Card Registration Act.
Sa bilang na ito, nasa mahigit 1 milyon ay mula sa dito Telecommunity Corporation, 5 million mula sa Globe Telecom, at mahigit sa 5 milyon mula sa smart communications.
Sa ilalim ng Sim Card Registration Act, inatasan ang lahat ng public telecommunications entities na magsagawa ng sariling platforms para sa pagpaparehistro ng simcard.