Umabot na sa mahigit 11,400 bagong kaso ng HIV-AIDS ang naitala ng Department of Health noong isang taon kumpara sa 11,100 kaso noong 2017.
98% ng HIV-AIDS cases ay nakuha sa pamamagitan ng pakikipag-talik.
88% naman ng mga nagkakasakit ay mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Dahil dito, muling hinimok ng DOH ang publiko na magpa-test upang maagapan ang sakit sakaling nahawaan nito.
Tiniyak din ng kagawaran sa mga nag-positibo sa HIV-AIDS na walang dapat ikabahala dahil gobyerno naman ang gumagastos sa pagbili ng anti-retroviral drugs.
—-