Umabot na sa mahigit 11,500 manggagawa ang nawalan ng trabaho matapos isailalim sa alert level 3 ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, malayo ito sa estimate na 100,000 hanggang 200,000.
Maliban sa mga displaced workers, nasa 20,000 manggagawa ang nabawasan ang oras ng trabaho dahil sa flexible work arrangement.
Hanggang sa Enero a-31 isasailalim ang Metro Manila sa alert level 3. —sa panulat ni Abigail Malanday