Higit labing isang libong (11,000) mga residente ang apektado ng magkakasunod na lindol sa Batangas nitong weekend.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Office, sa inisyal na pagtataya umaabot na sa isang daan at walong (108) milyong piso ang halaga ng mga strukturang nasira.
Isang daan at tatlumpung (130) kabahayan ang totally damaged habang nagkaroon din ng pinsala ang ilang mga simbahan.
Nagdeklara naman ng state of calamity ang mga bayan ng Mabini at Tingloy gayundin ang Batangas City.
By Rianne Briones
Photo via Cely Bueno