Aabot sa halos 126,000 pasahero ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan sa bansa kahapon.
Ito ay sa gitna ng paggunita ng Araw ng Kagitingan na orihinal dapat na ipinagdiriwang noong Linggo, ngunit iniusog kahapon.
Batay sa datos ng PCG hanggang alas-dose ng tanghali kahapon, kabuuang 125,686 pasahero ang dumagsa sa pantalan sa buong bansa, kung saan 70,535 ang outbound passengers at 55,151 ang inbound passengers.
Kabuuan namang 502 na sasakyang pandagat at 1,005 na motorbanca ang na-inspeksyon ng 2,774 PCG frontline personnel, na naka-deploy sa 15 PCG districts sa buong bansa.
Simula ikalawa hanggang ikasampu ng Abril inilagay ng PCG sa heightened alert ang kanilang mga distrito, istasyon, at sub-station upang pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa panahon ng Semana Santa.