Halos isa sa sampung mga sanggol ang hindi nakatatanggap ng bakuna kontra sa tatlong nakamamatay na sakit noong isang taon
Ito’y batay sa joint report ng UNICEF at ng World Health Organization kung saan, aabot sa 12.9 milyong sanggol ang walang natanggap na bakuna.
Lumabas din sa report na 6.6 milyong sanggol ang bagama’t nakatanggap ng unang bakuna ngunit hindi naman nakumpleto ang immunization course.
Mula taong 1980 hanggang 2010, bumaba ng halos 86 porsyento ng mga sanggol ang nakatanggap ng full course ng routine immunization para sa nasabing taon.
By Jaymark Dagala
Mahigit 12M sanggol sa mundo di nakatatanggap ng kumpletong bakuna was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882