Halos P74-bilyon na ang naipapamahaging ayuda sa ikalawang bahagi ng social amelioration program (SAP).
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mahigit 13-milyong pamilya ang nakinabang na sa nasabing tulong pinansyal ng gobyerno sa gitna na rin nang nararanasang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ng DSWD na bumilis ang pamamahagi ng SAP fund matapos gamitin ang digital payment para iwas-hawa na rin sa COVID-19.