Mahigit 135,000 na trabaho ang naghihintay para sa mga job seeker sa Independence Day Job Fair na inorganisa ng Department of Labor and Employment.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Rolly Francia, tagapagsalita ng DOLE, na lalahok sa idaraos na job fair sa Linggo ang ilang local at overseas employers.
Nasa dalawamput limang job fairs sa buong bansa ang isasagawa sa mismong Araw ng Kalayaan.
Maaarin din aniyang bisitahin ang Bureau of Local Employment website na ble.dole.gov.ph para sa mga available na trabaho.