Pumalo na sa 13,640 ang outbound passengers 10,421 inbound passengers ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa buong bansa kaugnay sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa.
Nasa 1,965 ang itinalagang frontline personnel sa 15 PCG districts para mag-inspection sa kabuuang 156 barko at 193 motorbancas.
Inilagay naman ng PCG ang mga district station at sub-station nito sa ‘heightened alert’ para pangasiwaan ang pagdagsa pa ng mga biyahero sa panahon ng Semana Santa.
Samanatala, hinikayat ng pcg ang mga pasahero na maki-pag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng official Facebook page nito at Coast Guard Public Affairs para sa mga katanungan. – sa panulat ni Airiam Sancho