Magtatalaga ng mahigit 13,000 tauhan at opisyal ang Philippine National Police para sa Traslacion o Feast of the Black Nazarene ngayong buwan.
Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., nakikipag-ugnayan na sila kay pamunuan ng Manila Police District sa tinatayang 2.5 milyong deboto na dadalo sa nasabing aktibidad.a
Una rito, plano ng PNP na i-disburse ang 5,602 pulis para sa walk of faith o ang prusisyon mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.
Bukod sa deployment, pinaalalahanan din ng PNP ang publiko sa listahan ng mga ipinagbabawal na bagay na dadalhin sa taunang prusisyon. - sa panulat ni Kim Gomez