Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 14K bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), na sa 14,546 ang bagong kaso kung saan na sa 3,560,202 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
190,818 naman ang aktibong kaso ng virus sa Pilipinas.
Habang nasa 3,315,381 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 26,500.
54, 003 naman ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos na makapagtala ng 112 na panibagong mga nasawi. -sa panulat ni Airiam Sancho