May tatlong proyekto umano ang Philippine Navy na nagkakahalaga ng mahigit 154 milyong piso ang hindi naipatupad sa pamamagitan ng deposit letters of credit.
Ito ang lumabas sa 2018 COA o Commission on Audit report na siyang naging sanhi umano ng idle funds ng Navy na pumalo sa 2.2 bilyon piso noong Disyembre 31.
Ilan sa mga hindi naipatupad na proyekto ayon sa COA ay ang kontrata mula sa Talon Security Consulting, Joint Ventures sa Propmech Corporation and Saab, Krusik Ad Valjevo and Stond of David Tactical.
Ayon sa COA, tanging ang talon lamang ang nakapag deliver ng goods sa Navy subalit kulang ang mga ito habang nasa ilalim naman ng termination review committee ang kontrata sa Krusik at suspendido naman ang sa Propmech and Saab.
Kasunod nito, nilinaw ng COA na ang mga hindi anila nai-deliver na mga goods ay malinaw na isang breach of contract na maka-a-apekto sa operational tempo ng Philippine Navy na posibleng maging hadlang sa pagtupad sa kanilang mandato.