Umakyat pa sa mahigit 1,500 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa China.
Ito ay matapos makapagtala ng panibagong 139 na mga nasawi sa Hubei Province, ang epicenter ng outbreak.
Maliban dito, naitala rin ng Hubei Province Health Commission ang nasa 2,400 mga bagong kaso ng COVID-19.
Umaabot naman sa mahigit 66,000 katao ang na-infect o nahawaan na ng nabanggit na sakit sa Hubei.
Samantala, mahigit 1,700 mga medical personnel na rin sa Hubei ang nagkaroon ng COVID-19 kung saan anim dito ang nasawi.