Mahigit sa 15,000 preso ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pinalaya sa harap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, layon nito na mapaluwag ang mga bilangguan na pinatatakbo ng BJMP.
Karamihan aniya sa mga pinalaya ay mga may edad na at may kinakaharap na bailable offense.
May basbas anya ng korte ang pagpapalaya ng mga bilanggo at ang ilan ay naaayon sa guidelines na ipinalabas ng Korte Suprema dahil sa COVID-19 pandemic.