Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 15,379 na bagong kaos ng COVID-19 sa bansa, mula Setyembre a-singko hanggang a-onse ngayong taon.
Batay sa datos ng DOH ang naturang bilang ay mas mababa ng 10% kumpara sa nagdaang linggo.
Ayon sa ahensiya, bumaba rin ang daily case average kumpara noong mga nagdaang linggo mula sa 2,449 sa 2,197.
Samantala sa kabuuan 72,770,721 na o 93.18% ng target na populasyon ng pamahalaan ang nabakunahan na laban sa naturang sakit.