55% o katumbas ng 15.5 milyong mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
Batay sa survey ng Social Weather Stations, ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara sa 52% self-rated poverty o mahigit 14 na milyong pamilya noong Marso.
Samantala, bumaba naman sa 32% ang bilang ng mga pamilyang ikinukunsidera ang kanilang sarili na hindi mahirap, kumpara sa 36% sa unang tatlong buwan ng taon.
Nananatili naman sa 12% ang nagsabing sila ay nasa “borderline” o nasa pagitan ng mahirap at hindi mahirap.
Naitala ang pinaka-mataas na self-rated poverty sa mindanao, na umabot sa 70%; na sinundan ng visayas, 67%; 45% sa metro manila, at 44% sa luzon.
Isinagawa ang nasabing survey mula April 11 hanggang 15, sa 1,800 respondents mula Abril 11 hanggang 15.