Sumampa na sa mahigit 160 migrants ang patay sa paglubog ng dalawang barko sa Libya.
Kinumpirma ng United Nations–International Organization for Migration na nasa 460 migrante na narescue nang lumubog ang kanilang barko noong December 12 at 18.
Naharang naman ng Libyan Coast Guard ang ikatlong wooden vessel na may lulang 210 migrante sa Mediterranean Sea.
Dahil dito, umakyat na sa mahigit 1,500 migrante ang nalunod ngayong taon lamang.
Patungo sanang Europa ang mga biktima upang takasan ang kaguluhan sa Libya.