Nananatili pa rin ang 163 na pamilya sa 12 evacuation center na sinalanta ng bagyong Neneng sa Region 2.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC), ito’y dahil may ilang mga lugar pa rin ang baha kahit tuluyan nang nakalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Neneng.
Habang sa kabuuan, sumampa na sa 181,185 mga indibidwal o mahigit 51,000 pamilya ang mga naapektuhan ng bagyo mula sa Region 1, Region 2 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa kabutihang palad, wala pa ring naitalang nasawi o nawawala ngunit 2 ang naitalang nasagutan dahil sa bagyo
Paalala naman ng NDRRMC sa publiko na patuloy na mag-ingat sa panibagong Bagyong Obet. - sa ulat ni Agustina Nolasco (Patrol 11)