Umabot na sa mahigit 160 ang nasawi, kabilang ang 2 bata habang nasa 5K ang inaresto matapos ang pinaka-malaking riot sa Kazakhstan, simula noong isang linggo.
Kinumpirma ng Kazakh Interior Ministry na halos $200M na ang halaga ng pinsala sa kaguluhan.
Mahigit 100 negosyo at bangko naman ang pinagnakawan habang nasa 400 sasakyan ang nawasak o napinsala.
Inilunsad ang kilos-protesta sa kabisera na Almaty dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo at pagkadismaya ng publiko sa liderato ni President Kassym-Jomart Tokayev.