Nasa 16,000 pang pamilya o halos 67,000 indibidwal na apektado ng Bagyong Paeng ang nananatili sa 246 na evacuation centers sa bansa.
Batay ito sa datos ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center ng DSWD hanggang kahapon.
Karamihan sa mga nasa evacuation center ay mga nasiraan ng bahay.
Aabot na sa 47,300 kabahayan ang napinsala kabilang ang nasa 4,200 lubhang nagtamo ng sira.
Umabot na rin sa P236-M na halaga ng food at non-food items ang ipinamahagi ng DSWD at Local Government Units sa mga biktima ng kalamidad simula noong isang linggo.