Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kabuuang 16, 392 na palabas at papasok na pasahero sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Batay sa datos ng PCG kaninang umaga, nasa 8,087 ang naitalang outbound passengers habang 8, 305 ang inbound passengers.
Nasa 2, 370 na tauhan naman ng PCG ang idineploy sa iba’t ibang stations at substations sa buong bansa.
Nakapag-inspect ang mga ito ng 12 sasakyang-pandagat at 130 motorbancas.
Samantala, ang hakbang ay bahagi ng plano para sa Holy Week na may bansag na Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2022. —sa panulat ni Airiam Sancho