Pumalo na sa mahigit 17,000 pamilya o katumbas ng mahigit 77,000 indibiduwal sa Region 4-A o CALABARZON ang naapektuhan ng nagpapatuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Batay sa tala ng Department of Social Welfare and Development – Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DSWD-DROMIC), pinakamarami ay mula sa Batangas na umaabot sa mahigit 17 pamilya o halos 66 na indibiduwal.
Nasa 3,000 pamilya naman o mahigit 11,000 ang mula sa Cavite habang 21 pamilya sa Laguna.
Ayon sa DSWD, mahigit 15,000 pamilya o katumbas ng mahigit 66,000 indibiduwal mula sa mga nabanggit na bilang ang pansamantala namang nanunuluyan sa halos 300 mga evacuation centers.
Samantala, umaabot na sa P5.86-M ang ipinalalabas na pondo ng DSWD bilang ayuda sa mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.