Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 17,145 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa mula Agosto a-29 hanggang Setyembre a-4.
Batay sa datos ng DOH, nasa 2,449 ang Average Daily Attack Rate (ADAR) ngayong nagdaang linggo, mas mababa ng 10% kung ikukumpara sa mga kaso noong Agosto a-22 hanggang a-28.
Mababatid na higit sa 72 milyong indibidwal na o katumbas ng 92.98% na ng target population ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 18 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Samantala, inihayag naman ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na target nilang magbigay ng COVID-19 shots sa pagitan ng 5 hanggang 21 milyong indibidwal sa panahon ng “special week” na isasagawa mula Setyembre a-26 hanggang a-30.