Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot na sa 17,510 ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Florita.
Batay sa ulat ng NDRRMC, katumbas nito ang 71,468 na katao sa 438 na barangay sa Ilocos Region, Cagayan Valley, CALABARZON, Cordillera Administrative Region (CAR) at Metro Manila.
Habang nasa 776 na pamilya o nasa 3,700 na indibidwal ang nasa 37 na evacuation centers at ang natitira ay nasa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
Nananatili naman sa dalawa ang nasawi habang ang isa ay bineberipika pa.