Inihayag ng Department of Health (DOH), na maari pa ring gamitin sa pagtuturok ang mahigit 17M doses ng Covid-19 vaccines na nananatiling nakaimbak sa ibat-ibang bodega sa bansa.
Kasunod ito ng balitang may mga bakunang nakatakdang ma-expire sa unang quarter ng taong 2023 habang ang ilan naman dito ay maaari nalang gamitin hanggang sa kalagitnaan ng taon.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, posible paring gamitin sa eligible population ang 17,488,050 na bakuna kahit pa matapos na ang Covid -19 State of Calamity.
Sa kabila nito, iginiit ng opisyal na valid pa rin sa buong taon, ang Emergency Use Authority (EUA) na ginagamit ng mga vaccine manufacturer para sa Covid-19 vaccines.