Umabot na sa 1,823 individuals ang lalahok sa isang buong-taong world study sa pagiging epektibo ng COVID-19 vaccines.
Ito ang inihayag ni Science and Technology Secretary Fortunato De La Peña, batay na rin sa ulat ng Philippine Council for Health Research and Development.
Ayon kay De La Peña, pinangungunahan ni Dr. Regina Berba ng UP-Manila ang isang taong surveillance program na sinimulan noong Hulyo.
Kasama rin anya sa pag-aaral ang Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Local Government Units at Department of Health.
Target ng Immuno-Surveillance Program ang nasa limang libong fully vaccinated na mga Pilipinong nasa hustong gulang sa pamamagitan ng antibody testing na isasagawa sa 2nd, 24th, 36th at 52nd week matapos mabakunahan ng ikalawang dose. —sa panulat ni Drew Nacino