Mahigit 188,000 indibidwal na ang rehistrado para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa Oktubre.
Ayon kay Comelec Deputy Executive Director for Operations Rafael Olanio, karamihan sa mga nagparehistro hanggang Dis. 30 noong 2022 ay first-time voters.
Pinakamarami anya ay edad 18 hanggang 30 taon, sinundan ng 15 hanggang 17 taon.
Maaaring makaboto ang mga edad 15 hanggang 17 pero sa SK Elections lamang habang ang mga 18 hanggang 30 taon ay parehong makaboboto sa mga nasabing halalan.
Nanawagan naman ang poll body sa mga kwalipikadong botante na magparehistro bago matapos ang registration hanggang Enero 31. –sa panulat ni Jenn Patrolla