Umaabot na sa kabuuang 19, 466 na mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) ang nailikas na pauwi ng Pilipinas ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa ginanap na Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Brigido Dulay na mahigit 15,000 sa nabanggit na bilang ay mga seafarers na nagtrabaho sa 75 cruise ships.
Habang mahigit 4,300 naman ang land-based OFW’s.
Ayon kay Dulay, kanilang inaasahan ang mas marami pang balik – Pilipinas na mga OFW’s galing sa iba’t-ibang bansa.
Aniya, pawang naapektuhan ang pagtatrabaho ng mga nabanggit na Pinoy dahil sa COVID-19 pandemic.
Samantala tiniyak ni Dulay na nakikipag-ugnayan na ang sub task group for the repatriation of OFW’s sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan para sa kanilang ipinatutupad na patakaran hinggil sa mga nagbalik-bansang OFW’s.