Aabot sa mahigit 19,000 police officers, mga sundalo, coast guard personnel at iba pang force multipliers ang ipapakalat ngayong araw para sa inagurasyon ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sinabi ni NCRPO Chief Police Major General Felipe Natividad na nagsagawa sila ng final simulation exercise sa paligid ng National Museum upang matiyak ang seguridad sa makasaysayang panunumpa ng bagong pangulo ng Pilipinas.
Hindi aniya papayagan ang pagsasagawa ng demonstrasyon malapit sa venue.
Una nang sinabi ng Philippine National Police na tanging sa Plaza Miranda, Plaza Dilao, at Liwasang Bonifacio maaaring magsagawa ng kilos-protesta.