Sanib puwersang winasak ng Philippine National Police o PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang mahigit P1B halaga ng mga nasabat na shabu sa kanilang ikinasang mga operasyon.
Isinagawa ang pagwasak ng mga nasabing iligal na droga sa pasilidad ng intergrated waste management inc. na nasa Brgy. Aguado, Trece Martires City sa Cavite.
Ayon kay PDEA Dir/Gen. Wilkins Villanueva, kinabibilangan ito ng shabu, marijuana, cocaine, ecstacy, toluene, opium, ephedrine, ketamine at maging ng mga expired nang mga gamot.
‘Ang problema natin ay mayroon pa tayong 567 kilos na naka-pending sa korte kaya sabi ko eh bubulabugin talagang kakatukin natin yung mga korte para mapayagan na tayo na magkaroon ng ocular inspection para sa suceeding na dangerous drugs destruction.’ Ani Villanueva sa panayam ng DWIZ.
Sa panig naman ng PNP, sinabi ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar na nakikipag-ugnayan sila sa mga kinakuukulang korte upang mapabilis ang pagwasak sa mga nasasabat nilang iligal na droga.
‘Our directorate for investigation and detective management ah thru our crime laboratories service is the one monitoring and the making the necesarry intervention para mapabilis ito and ah meron naman tayong direct line with the concern court authorities to easen at para mapabilis ito.’ Ani naman ni Eleazae sa panayam din ng DWIZ.