Nakapagtala ang Pilipinas ng 1,031 na karagdagang kaso ng COVID-19 kahapon.
Dahil dito, pumalo na sa 4,059,369 ang kabuuang bilang ng COVID infections sa bansa.
Batay pa sa datos ng Department of Health, bahagyang tumaas ang aktibong kaso ng sakit sa 16,900 mula sa naitalang 16,896 active cases noong Miyerkules
Nakapagtala naman ang kagawaran ng 3,977,297 recoveries habang sumampa naman sa 65,172 ang death toll.
Ang National Capital Region ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng sakit sa nakalipas na dalawang linggo, na may 5,346.
Sinundan ito ng CALABARZON, 2,339; Central Luzon, 1,126; Western Visayas, 624; at Ilocos Region, 530.