Nakapagtala mula Mayo 9 hanggang 15 ang Department of Health (DOH) ng 1,118 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng DOH, nasa 160 ang bilang ng Average Daily Attack Rate o bagong kaso kada araw ngayong linggo.
Mababatid na mas mababa ito ng 0.3% kung ikukumpara sa kabuuang kasong naitala noong Mayo 2 hanggang Mayo 8.
Samantala, higit sa 68 milyong indibidwal na o 76.29% ng target population ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 13.6 million naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.