Target ng pamahalaan na mabigyan ng Patient Transport Vehicles (PTVS) ang bawat lokal na pamahalaan sa buong bansa upang may maaasahang sasakyan sa agarang pagdadala ng mga pasyente sa mga pagamutan.
Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng PTV sa Cagayan De Oro City, ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ngayong taon, nakapamahagi na ang Philippine Charity Sweepstakes Office ng 567 PTVs, at 985 pa ang planong ipamahagi bago matapos ang taong 2025.
Kapag natapos ang distribusyon, inaasahang lahat ng 1,493 LGUs sa buong Pilipinas ay magkakaroon ng tig-isang sariling PTV, habang may ilan din na mabibigyan ng tig-dalawang unit. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)