Pansamantalang ginagamit ang NAIA terminal 4 bilang testing center para sa mga empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Isasalang sa testing ang may 1,500 empleyado ng MIAA matapos na umabot na sa 55 ang empleyadong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nilinaw naman ng pamunuan ng MIAA na sa 55 kaso ay 17 na ang naka-recover.
Ayon sa MIAA, ang testing center sa terminal 4 ay eksklusibo lamang sa mga tauhan ng paliparan.