Ipinag-utos ni Brig Gen. Mafelino Bazar, Regional Director ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-Cordillera) ang pagpapakalat ng mahigit 1,000 pulis para sa pagdaraos ng “Ligtas Kapaskuhan 2022″.
Base sa pinakahuling datos ng PRO-Cordillera, 1,279 police personnel na ang ipinakalat para sa road monitoring, partikular sa public transportation terminals ng rehiyon.
Nasa 427 personnel naman ang itatalaga sa Reactionary Standby Support Force (RSSF) at nasa 495 volunteers ang ipapakalat upang matiyak ang seguridad at kaayusan ngayong holiday season.
Hinimok din ni Bazar ang publiko na agarang i-report sa kanila ang anumang untoward incident sa pinaka-malapit na istasyon ng pulis. – sa panulat ni Hannah Oledan