Mahigit 1,000 manggagawa sa Region 1 na nawalan ng hanapbuhay dahil sa naganap na paglindol noong Miyerkules ang binigyan ng trabaho sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) assistant program.
Ayon kay DOLE-regional director Evelyn Ramos, inilagay nila ang mga manggagawang ito sa ilalim ng tulong panghanapbuhay sa ating disadvantage/displace wokers o TUPAD upang tumulong sa paglilinis at pagtanggal ng mga debris.
Mula aniya sa Candon at Vigan, Ilocos Sur ang mga apektadong manggagawa.
Dagdag pa ni Ramos na 15 araw lamang tatagal ang clean-up drive para sa mga nasabing indibidwal kung saan tatanggap ng 5,500 pisong sahod ang bawat isa.
Samantala, handa rin ang DOLE Regional Office na tulungan ang mga manggagawa na nakararanas ng mental stress at trauma mula sa naturang lindol.