Karagdagang 1,134 Covid-19 cases ang naitala sa bansa, kahapon.
Ito na ang ikalimang sunod na araw na nakapagtala ng higit sa 1,000 kaso ng Covid-19 ang Department of Health.
Bahagya namang bumaba sa 18,252 ang aktibong kaso kumpara sa 18,387 noong Sabado.
Sumampa rin sa 4,049,000 ang total caseload, kabilang ang 3,965,000 recoveries habang nadagdagan ng 24 ang nasawi kaya’t umakyat sa 64,880 ang death toll.
Samantala, nangunguna pa rin ang National Capital Region sa mga rehiyong may pinaka-maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 5,591; sinundan ng CALABARZON, 2,260 at Central Luzon, 1,090.