Mahigit 1,000 pamilya sa Northern Mindanao ang nagsilikas bunsod ng walang tigil na pag-ulan simula pa noong bisperas ng pasko.
Karamihan o nasa 700 pamilya, na binubuo ng halos 2,000 katao, ay pawang residente ng apat na lungsod at ilang bayan sa Misamis Oriental.
Ayon sa Office of the Civil Defense – Region 10, mahigit 500 pamilya o halos 2,400 katao naman ang nagsilikas sa mga bayan ng Sinacaban at Jimenez, Misamis Occidental.
Hanggang nitong kahapon sa mismong araw ng pasko, humupa na ang baha sa ilang lugar.
Magugunitang naglabas ang pagasa ng heavy rainfall warning signal dulot ng shearline at wind convergence weather system sa nasabing rehiyon noong Biyernes.