Aabot sa 1,086 na pamilya o 4,274 katao ang nananatili sa 25 evacuation centers dahil sa bagyong Paeng.
Batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, sumampa sa kabuuang 1,982 pamilya o 8,293 katao mula sa 50 barangays ang apektado ng bagyo sa regions V, VI, VII at Caraga.
Nasa 64 na pamilya o 252 indibidwal naman ang nanunuluyan sa labas ng evacuation centers.
Nasira ng bagyo ang ilang kabahayan sa nasabing mga lugar, kung saan dalawa ang totally damaged habang tatlo ang partially damaged.
Nakapagbigay naman ang DSWD at Local Government Units (LGUs) ng P462,872 na tulong sa mga apektado ng bagyong Paeng.