Umabot sa 1,600 katao sa Metro Manila ang naparusahan dahil sa non-stop na pag-videoke.
Ayon kay National Capital Region Police Office Director Brigadier General Anthony Aberin, Maliban sa pagvi-videoke nang lampas sa itinakdang oras, lumabag din ang ilan pang nahuli dahil sa pag-inom ng alak at paninigarilyo sa pampublikong lugar; paglalakad sa kalsada nang walang damit pang-itaas; at ilegal na pagtatapon ng basura.
Nabatid na labag sa ordinansa ang paggamit ng magdamagang videoke kung saan maaaring makulong at patawan ng multa.