Mas pinaigting ng PNP-HPG ang kampanya nito laban sa iba’t ibang mga traffic violations.
Sa katunayan ay nakapag-impound sila ng 1234 na mga sasakyan at mga motorsiklo sa “simultaneous nationwide oplan lambat bitag sasakyan-one time big time operations” .
Sa report ni P/BGen Alexander Tagum kay PNP chief Gen. Debold Sinas, magkakasama na dito ang mga may illegal accessories, colurum na mga sasakyan at ang mga gumagamit ng mga motorsiklo na hindi nagsusuot ng tamang uri ng helmet.
Paliwanag ni Tagum, layunin ng kampanyang ito na mahuli at matiketan ang mga traffic violators, mabawi ang mga carnapped na mga sasakyan at mapababa ang kaso ng carnapping.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng ibang mga ahensya ng gobyerno gaya ng LTO, LTFRB, MMDA at mga local police stations sa buong bansa.