Dumating na sa bansa ang mahigit 1M doses ng Pfizer COVID-19 vaccines para sa mga batang edad 5 hanggang 11.
Ayon sa National Task Force against COVID-19, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 alas-otso kagabi ang aabot sa 1, 056 government-procured vaccines para sa Pediatric Age Group at 128,700 doses naman para sa mga adults.
Base sa datos ng NTF, aabot na sa 137, 085, 697 ng COVID-19 vaccine doses ang naadminister na ng pamahalaan kung saan, sa nasabing bilang, 63, 793, 957 Pilipino na ang fully vaccinated na laban sa nakakahawang sakit.
Plano ngayon ng gobyerno na mabakunahan ng COVID-19 vaccines ang nasa 77M Pinoy laban COVID-19 bago matapos ang buwan ng Marso at 90M naman bagao matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo a-30. —sa panulat ni Angelica Doctolero